Nagunita ni Alkalde Vic Amante na ng itatag ang Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP) ay umako ng maraming pagbatikos ang kanyang pangasiwaan noon, isang dekada na ang nakalilipas, subalit pinatotohanan ng panahon na tama ang kaniyang disisyon noong sapagka’t ito ay nakatulong upang ang maraming anak mahirap, hindi lamang dito sa Lunsod ng San Pablo, kundi maging sa mga kanugnog na munisipyo tulad ng Alaminos, Rizal, at Tiaong, ay nagabayang taluntunin ang tama at matuwid na daan ng buhay.
Sa ganoong kadahilanan, sa kabila ng mga batikos na kanyang tinamo, at patuloy na tinatamo, ay ipagpapatuloy niya ang pagpapatapos sa Proposed San Pablo City General Hospital sa katabing lote ng kampus ng DLSP sa Barangay San Jose sapagka’t sa ilalim ng kasalukuyang kalalagayan ng kabuhayang pambansa, ay natitiyak niyang sa mga susunod na araw ay lalong magiging kawaawa ang mga mahihirap na magkakasakit, kaya kito ay dapat na pinaghahandaan, upang walang taga-Lunsod ng San Pablo ang mamamatay na hindi napagsikapang malapatan ng lunas sa isang makabagong ospital.
Side comment ni City Administrator Loreto S. Amante, “ayaw ni Tatay sa titik sa awit na Mona Liza na they just lie there, and they just die there.”
Nabanggit din ni Mayor Vic Amante na sisikapin niyang sa susunod na chool year ay mayroon ng sarili*-+ng campus ang San Pablo City Science High School, sapagka’t ito ay nasa isang pahiram na lugar pa lamang, gayon pa man, ang mga mag-aaral sa nabanggit na mataas na paaralan na binuksan noonnyo 2005, ay nagsisipagwagi na sa iba’t ibang kompetisyon at paligsahan sa mga araling akademiko, hanggang sa mga antas na pangrehiyon, at katunayan nito, maging ang Most Outstanding High School Teacher ng Emerald Lions sa taung panuruang ito ay isang guro doon.
Sapagka’t may umiiral na palatuntunan ang Tanggapan ng Pangulo, at ang Depar;tment of the Interior and Local Government, at maging ang National Economic and Development Authority (NEDA), na ang mga pinunong tagapagpaganap ng mga yunit ng pamahalaang local o local government official ay maglakbay sa loob at labas ng bansa para makapagmasid upang mapalawak ang kanilang pananaw sa pangangasiwa at pagbalangkas ng mga planong pangkaunlaran, nabanggit ni Mayor Amante na napapanahon ng pairalin ang free enterprise or competition, tulad ng pakitang halimbawa ng Singapore, ng Hong Kong, ng Busan City sa Korea, at maging sa mga Lunsod ng Naga, Cebu, Cagayan de Oro, at Davao ditto sa Pilipinas, sapagka’t kalakaran na sa masiglang kompetitisyon ng mga negosyante ay ang mga mamimili o ang mga tagatangkilik ang nakikinabang, kaya hinihiling niya sa Sangguniang Panglunsod na sana ay gawaing investment-friendly ang proseso ng kanilang pagpapatibay sa mga humihiling na makapamuhunan at makapagnegosyo sa lunsod na ito, sapagka’t dapat na isaalang-alang ang kagalingan ng kabuuan ng mga mamamayan ng lunsod.
Sa ilang pagkakataon sa kanyang pananalita, ay pinahalagahan ni Mayor Amante si Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa mga tulong na ipinagkakaloob nito sa pangasiwaang lunsod, tulad ng pagsasaayos at pagpapaunlad ng kahabaan ng mga national highway, upang ang tricycle ay magkaroon ng sariling lane o ligtas na daanan, at sa pagtulung upang ang Kalihim ng Agrikultura ay magkaloob ng pondong hindi kukulangin sa P20-milyon na isusuporta sa mga magsasaka sa lunsod, tulad ng pagkakaloob ng binhi, at abono para sa mga magtatanim ng gulay at iba pang halaman, at sa pagsubaylbay sa kalusugan ng mga inaalagaang hayop ng mga magsasaka sa lunsod. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment