Magugunitang ang LLDA ay ipinagsumbong sa hukuman ng Federation of Fishpens and Fishcages Operators Association of Laguna de Bay, Inc. upang pigilin ang LLDA na ipagiba ang mga palaisdaang hindi naipagbabayad ng kaupahan o rental, sa katuwirang ang sinisingil na P6,000-bawa’t ektarya bawa’t taon ay walang kapahintulutan ng Pangulo ng Bansa. Paninindigang pinawalang kabuluhan ng hukuman sa ilalim ng kaisipang ito ay bahagi ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa LLDA ng mga umiiral na batas.
Bunga ng kapasiyahan ng Hukuman sa Paghahabol, ang LLDA ay nabibigyan ng pagkakataong maisaayos ang sistema ng palaisdaan sa Laguna de Bay, upang ang lawa ay malinis at mailigtas sa ganap na pagkamatay, pahayag pa ni Manda, ng siya ay makapanayam ng pahayagang ito, matapos na maging tagapanayam sa isang pulong-pagsasanay ng mga bumubuo ng Federation of Fisheries and Acquatic Resources Management Councils sa lunsod na ito noong isang araw ng Biyernes. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment