Nilagdaan kamakailan sa pag-itan ng PhilHealth at Philippine Academy of Opthalmology (PAO) ang Memorandum of Agreement (MOA) upang matulungang mabawasan ang pang-aabuso sa National Health Insurance Fund sa pamamagitan ng fraudulent claims dahil sa mga pagkakamali ng mga doctor.
Noong nakaraang taunang pagpupulong ng PAO sa Lungsod ng Pasig, kinundina ni Bb. Lorna Fajardo, Acting PhilHealth President at CEO at Dominga Padilla,pangulo ng PAO, ang pagsasagawa ng ibang heatlh care providers ng cataract extractions na hindi tama at imoral ang proseso.
May mga doctor na kumukuha ng serbisyo ng ahente na tinatawag na “seekers” kung saan siya ang nagdadala ng mga pasyente, karamihan nito ay miyembro ng PhilHealth para makakuha ng malaking reimbursement, sabi ni Fajardo,. Binigyan diin din niya ang hindi magandang sitwasyong kinakaharap sa mga operasyong isinasagawa.
Sinasabing ang mga operasyon ng mga doktor na ito ay isinasagawa sa pinakamasamang kundisyong maiisip mo. Ang mga pasyente ay napapabalitang galing sa malalayong lugar kung saan sila ay makikinabang sa mass cataract operation na nagbabalat-kayong medical mission. Ayon kay Fajardo, ito ay ginagamit lamang para dayain ang PhilHealth sa pamamagitan ng pagpapasa ng claims.
Bukod sa pagbibigay ng listahan sa PhilHealth ng PAO-sponsored cataract project para malaman kung valid ang claims, ang kasunduang ito ay nagbigay daan upang magbigay aksyon ang PAO sa mga PhilHealth-referred cases at pagdalo sa consultative meeting na ginagawa isang beses sa isang buwan. Nagpapasalamat sila sa PhilHealth sa pagkilala sa kakayahan ng PAO sa pag resolba sa malpractice na sangkot ang ilang member-opthalmologists, dagdag ni Padilla . Ang MOA kasama ang PAO, ay una sa kasaysayan ng PhilHealth. Sa pamamagitan ng MOA, pinagtibay ng PAO ang patuloy na pananagutan at suporta sa mga mithiin ng PhilHealth. (PhilHealth IV-A)
Comments
Post a Comment