para sa Lunsod ng San Pablo, at mga Bayan ng Alaminos, Rizal, Nagcarlan, at Liliw, nagpapayo si Senior Board Member Karen C. Agapay sa lahat ng mga propetaryo na nagmamay-ari ng mga lupaing sakop na ng Approved Cadastral Map subali’t hindi pa naipatatala sa Land Registration Authority (LRA) upang mapagkalooban ng Original Certificate of Title (OCT), ay matutulungan silang ito ay mapatituluhan sa pamamaraang administratibo sa ilalim ng isang palatuntunang ipinatutupad ng Land Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, o ng titulong tinatawag na Free Patent.
Ayon kay Atty. Karen Agapay, sa dahilang ang proseso ay hindi dumaraan sa hukuman, ang nagugugol ng magpapatalang propetaryo ay halos wala pang dalawang (2) libong piso (P2,000.00) bawa’t lote na lubhang mababa kung ihahambing sa pagpapatitulo sa pamamag-itang ng prosesong panghukuman o judicial process.
Para sa detalyadong pagpapayo ukol sa pagpapatitulo sa paraang Free Patent, si Atty. Karen Agapay ay maaaring sangguniin sa tatlong pagkakataon sa loob ng isang, simula sa ika-8:30 ng umaga hanggang ika-4:30 ng hapon. Kung araw ng Martes ay sa lobby ng munisipyo ng Alaminos; kung Huwebes sa sa munisipyo ng Nagcarlan, at kung Biyernes ay sa
Bilang notaryo, si Atty. Karen Agapay ay hindi tumatanggap ng bayad, lamang, hindi siya nagnonotaryo ng mga kasulatan ng bilihan o deed of sale, bilang pagtalima sa “professional code of ethics” ng mga abogado sa pagkakaloob ng walang bayad na serbisyo.
Kaugnay ng Operation: Titulo na pinangungunahan ng Land Management Bureau, na sinusuportahan nina Mayor Eladio M. Magampon ng Alaminos, Mayor Nelson M. Osuna ng Nagcarlan, at City Mayor Vicente B. Amante ng San Pablo, at Register of Deeds Antonieta Lamar, ay may dumarating na kinatawan ang nabanggit na kawanihan sa One Stop Processing Center tuwing Araw ng Miyerkoles para sa kaukulang pagpapayo sa mga bagay na may kaugnayan sa pagpapatitulo sa paraang Free Patent. Ipinaaalaala pa rin na ang pagpaparehistro o pagpapatitulo ng mga lupain sa mga Bayan ng Alaminos, Rizal, Nagcarlan, at Liliw ay dito na sa
Comments
Post a Comment