Magsisimula ang Isang  Linggong Selebrasyon sa pamamagitan ng mini-Olympics sa San Pablo   Central School ground,  at sa Pamana Hall, na susundan ng Battle  of the Bands sa Mayo 4 sa Liwasang Lunsod, at katuwaang Ms. Gay Contest  sa Mayo 5.
    Ayon kay City Administrator  Loreto “Amben” S.  Amante, tagapangulo ng Lupong Tagapagpaganap  ng Pagdiriwang,  ang gaganaping Grand Santakrusan sa Mayo 6 na  ay magtatampok kay 2009 Mutya ng San Pablo Jennifer Plerido na kasalukuyang  reigning queen ng Lalawigan ng Laguna sa kanyang pagkakapagwagi bilang  Binibining Anilag ng Laguna.
    Lalahok din sa santacrusan  ang Binibining San Pablo, Miss Cocofest 2009 at iba pang nag-gagandahang  dilag ng lunsod.
    Samantala ay pinananabikan  na ng mga residente ang mga mapipiling natatanging anak ng lunsod na  pararangalan kaalinsabay ng paggunita sa ika-69 taon ng pagkakatatag  ng lunsod, na bilang isang yunit ng pamahalaang lokal ay 362 taon na.
Ang gawad na Ang Mga Namumukod-Tanging San Pableño o The Outstanding San Pableño ay iginagawad sa mga taal na San Pableño na nangag-tagumpay sa kani-kanilang larangan ng kaisipan at gawain, nakapagtala ng pambihirang kontribusyon sa sangkatauhan, at nakapaghandog karangalan sa bayang kanilang sinilangang na tunay na maipagkakapuri at natatangi. (Sandy Belarmino)
Comments
Post a Comment