Si District Engineer Federico L. Concepcion samantalang kapanayam ang mga punong barangay mula sa mga Bayan ng Nagcarlan at Liliw, at Lunsod ng San Pablo.
SAN PABLO CITY – Kaugnay ng nalalapit na May 10, 2010 National and Local Elections, nabatid mula kay District Engineer Federico L. Concepcion ng Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa lunsod na ito, na sila ay may kahandaang magkaloob ng ano mang tulong na hihilingin ng Commission on Elections (COMELEC) matapos na ang kanilang tanggapan ay ma-depuitized ng nabanggit na komisyon, halimbawa ay ang pagtatanggal ng mga billboards at mga katulad na propaganda materials na itinatayo ng mga kandidato sa labas ng mga designated na poster area.
Ipinaaalaala ni District Engineer Ike Concepcion na may eleksyon o wala, ang pagtatayo ng ano mang istraktura, kasama na ang mga advertising structures, sa nasasakupan ng road right-of-way ay ipinagbabawal sa Section 30 ng Philippine Highway Act of 1953 o Republic Act No. 917, at sa Sections 25, 213, 301, and 2001 ng National Building Code of the Philippines o Presidential Decree No. 1096. Katunayan nito, ang kapangyarihan ng Department of Public Works and Highways na baklasin o alisin ang mga advertising structures sa nasasakupan ng lote ng lansangan o road right-of-way ay pinatitibayan sa isang desisyon na pinagtibay ng isang dibisyon ng Court of Appeals.
Nabanggit ni Concepcion na dito sa sakop ng 3rd Congressional Distrtict of Laguna na siyang hurisdiksyon ng kanyang tanggapan, ay nauunawaan na ng mga pinunong barangay na bawal ang magtayo ng ano mang istraktura sa sakop ng lote ng mga pampublikong lansangan, kasama na ang pagbabawal na ang mga gilid ng lansangan ay gawaing tambakan ng basura, at maging ng mga construction materials at artikulo ng kalakalan, lalo na kung ito ay makakaabala sa maayos na daloy ng trapiko.
Si Concepcion ay may regular na pakikipagtalakayan sa mga pinunong barangay, sapagka’t naging layunin na niya na kung may ipatutupad na proyekto ay ipinauunawa niya ito sa punong barangay sa barangay na pagtatayuan nito, (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment