Dahil sa pagsapit na panahon ng tag-ulan, kung kalian inaasahang maraming hayop ang naaapektuhan ng kalusugan bunga ng matagal na pagkababad sa tubig, sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, ang Office of the City Veterinarian ay bumili na ng sapat na gamot, kasama na ang mga pambakuna, para sa mga alagaing hayop, tulad ng kalabaw, baka, kabayo, at baboy, na kalakarang apektado ang kalusugan ng pabago.bagong kalalagayan ng panahon.
Sang-ayon kay City Veterinarian Fara Jayne C. Orsolino, sa lunsod na ito ay may 1,299 kalabaw, 2,736 baka, at 375 kabayo na pawang nakarehistro sa Tanggapan ng Ingat Yaman.
Ang malalaking baboy ay tinatayang nasa 7,000 para sa bawa’t pagkakataon, at wala silang malinaw na maibibigay na bilang para sa manok dahil sa kalakarang ito ay inaani tuwing ika-45 hanggang ika-60 araw, at ang mga poultry houses ay sila na ang bumibili ng mga kinakilangan nilang gamot at bakuna.
Samantala, sa pakikipanayam ng mga graduate student sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) kay Gng. Miriam C. Dumaraos, tagapangulo ng San Buenaventura Farm and Aquatic Resources Management Council (FARMC) na ang pinangangasiwaang mga lawa ay ang Palakpakin at ang Mojicap, na ang mga fishcages operators sa dalawang lawa ay hindi naapektuhan ng fiskill phenomenon nitong nakalipas na mga buwan ng taglamig, dahil sa tagubilin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at maging ng mga tekniko ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na huwag maghulog ng semilya o fingerling kung buwan ng Nobyembre, upang huwag maapektuhan ng paglamig ng tubig, kaalinsabay ang pagtaas ng lebel ng asupre, na kalakaran tuwing magtatampos ang taon, na tumatagal hanggang sa buwan ng Pebrero, na nagbubunga ng kawalan ng dissolved oxygen sa tubig, kaya nalulunod o namamatay ang mga inaalagaang isda.
Pinangangalagaan din ng mga mangingisda sa mga Lawa ng Palakpakin at Mojicap na 10 porsyento lamang ng dagat ay pinagtatayuan ng fishcage, kaya maluwag na dumadami ang natural na patuka, tulad ng plankton, na malaki ang naitutulong upang malulusog ang inaalagaan nilang mga isdang Tilapia, at napabababa pa ang gugulin sa patuka. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment