Skip to main content

MGA GABAY TUNGO SA TAMANG PAGBABAGO – DR. MARISSA V. ROMERO

    Kaugnay ng paksa ng palatuntunan ng pagtatapos sa mga paaralang publiko sa bansa na “Ang Mga Magsisipagtapos: Kaagapay Tungo Sa Pagbabagong Anyo Ng Lipunan. Tugon Sa Hamon Ng Sambayanan,” ipinaalaala ni Dr. Marissa Villafuerte Romero, isang Supervising Science Research Specialist at hepe ng Rice Chemistry and Food Science Division ng  Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na naka-base sa Barangay Maligaya sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija, na magiging makatotohanan lamang ang temang ito kung mapagyayaman ng bata sa kanyang kaisipan ang pagpapahalaga sa courage o tapang na salungahin ang maalong agos ng buhay sa lipunang kanyang ginagalawan; hardwork o pagkamasipag at pagkamatiyaga sa kanyang pag-aaral, at kung tumanda na ay sa paghahanapbuhay, at huwag malulungkot kung may mga pagkakataong mang siya ay nabibigo; aspiration o pagkakaroon ng mataas na ambisyon at pangarapin, sapagka’t ito ang mga kaasalang nagtutulak sa isang tao upang mapagsumakitang matamo ang kanyang mga pangarapin sa buhay; novelty o pagsasakit na siya ay mapaiba upang umako ng pansin at pagpapahalaga sa lipunang kanyang ginagalawan; God-fearing o pagkakaroon ng Banal na Takot sa Dios, at ganap na paglalagak ng kanyang pagtitiwala sa magagawa ng Ama lalo na at siya ay lumalakad sa matuwid na daan ng buhay; at excellence o pagsisikap na ang ano mang kanyang ginagawa ay nakatutugon sa mataas na pamantayan para sa partikular na gawain o larangan, kaya siya ay nangunguna at nagiging mabuting halimbawa para sa iba.

     Si Dr. Marissa Villafuerte Romero na isinilang at lumaki sa kapaligiran ng Barangay II-B, at nagtapos ng kursong elementarya sa Ambray Elementary School noong Taong Panuruan 1989-1990 na matapos makapag-aral sa Estados Unidos sa larangan ng paghahalaman ng palay, ay isa ngayong mananaliksik sa Philippine Rice Research Institute na ang pinagtutuunan ng kanyang pag-aaral ay ang pagsasakit na ang bigas ay maging daan upang maitaas ang antas ng nutrisyon ng mga kabataan, ay siyang naging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa palatuntunan ng pagtatapos ng paaralang kanyang pinagtapusan o Alma Mater noong nakaraang Biyernes ng umaga, Abril 1, 2011, at isang pagkakataon, na ang kasalukuyang punong guro ng Paaralang Elementarya ng Ambray ay kanyang kababata at kamag-aaral na si G. Rodel Baclig.

     Ayon kay G. Baclig, kanilang inanyayahan si Dr. Romero sa dahilang ang kanyang talambuhay ay maitutulad sa mga episode na pinapaksa ng Palatuntunang Maalaala Mo Kaya (MMK) kaya siya ay magandang modelo para sa kanyang mga kabarangay, na nagpapatunay na ang pagiging anak-mahirap ay hindi dapat maging dahilan upang siya ay huwag ng magsikap na makaalis sa kahirapan, na hindi naman nalilimutan ang pamayanang kanyang nakalakihan.

     Magugunitang si Dr. Marissa V. Romero ay kinilala bilang isa sa 11 kababaihang napili bilang “The Outstanding Women in the Nation's Service (TOWNS) for 2010” na ang nag-abot ng gawad sa isang palatuntunang ginanap sa Malacañang noong nakaraang Nobyembre ay mismong si Pangulong Benigno C. Aguino III. Siya ay kinilala sa larangan ng Siyensya at Teknolohiya.  (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

San Pablo City’s Hagdang Bato

             Nobody knew the number of steps it has:   when it was constructed and by whom,   until Mayor Vicente B. Amante asked his private secretary to actually count the number of steps and copy the wordings on the tablets affixed on the lower part of the park structure.             The Hagdang Bato (concrete stairway) leading to the Sampaloc Lake, which is now a famous local landmark, is now part of the logo or official seal of San Pablo, being the City of Seven Lakes.           It was constructed in November 1915 under the administration of municipal president Marcial Alimario, but many, including the youth and technical personnel of the local engineering office, simply look it for granted.  Nobody knew the number of steps it has, when it was constructed and by whom, until Mayor Vicente B. Amante asked his private secreta...