Ang Junior Chamber International (JCI) San Pablo Seven Lakes, na lalong kilala bilang San Pablo “Seven Lakes” Jaycees, Inc. na sa Administrative Year 2008 ay nasa ilalim ng liderato ni JCI Member Normandy Inarda Flores bilang Chapter President ay nagtamo ng Merit Award for Best Local Chapter for Category 3 (with 25 – 45 active members) ng ganapin ang 60th National Convention sa Zamboanga Convention Center sa Depolog City sa Zamboanga del Norte noong nakaraang isang Biyernes, Oktubre 10, 2008. Natamo rin ng San Pablo Jaycees ang gawad na “Best United Nation Millennium Development Goals Project “Stop AIDS. Keep The Promise Year 2”, na sa pangkalahatan ay nalagay ang JCI-San Pablo Seven Lakes sa Ranked 6 sa Final Junior Chamber International Philippines Efficiency Awards (JCIPEA) na kinikilalang isang malaking karangalan para sa lunsod kung isasaalang-alang sa na buong bansa ay may 200 aktibong Jaycee Chapter. Ang pagkilala ay naglagay sa San Pablo Jaycees na isa sa 10 pinakaaktibong chapter sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon.
Noong nakaraang taon, sa 59th National Convention na ginanap sa Cebu City ang JCI San Pablo Seven Lakes ay Ranked 10 sang-ayon kay National President Albert Raphael Angelo A. Lesaca nang siya ay dumalo sa 60th Induction of Officers ng local organization (LOM) na ginanap sa Coco Palace Hotel sa lunsod na ito. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment