Skip to main content

TRICYCLE DRIVER NA NAKAPULOT NG ATM, PASSBOOK AT TSEKE, BINIGYAN NG PARANGAL NI MAYOR VICENTE B. AMANTE AT CITY ADMIN LORETO AMANTE

Nasa larawan si Mayor Vicente B. Amante habang ibinibigay ang gawad papuri kay G. Renato P. Manalastas nuong Oktubre 5, 2009.

Binigyan nina Mayor Vicente B. Amante at City Administrator Loreto S. Amante ng isang gawad papupuri si G. Renato P. Manalastas, Jr., isang tricycle driver ng Barangay San Gabriel sa pagsosoli ng mga ATM Card, Passbook at Tseke na kanyang napulot nuong Setyembre 29, 2009. Ayon kay Renato ito ay kanyang napulot mga bandang 10:00 a.m. sa may Malvar cor. A. Bonifacio St. Ang paggagawad ng sertipiko ay isinagawa nuong nakaraang Oct. 5 sa One Stop Processing Center.

Ayon naman kay City Administrator Amante nagpunta sa kanyang tanggapan si G. Manalastas bandang 11:00 a.m. nuong Sept. 29 at isinoli ang mga napulot na ATM, Passbook na may P4,000 deposit at tseke na nagkakahalagang P30,000.

Napag-alamang ang may-ari nito ay si Melanie Briones ng Baraanagay San Buenaventura. Kaya upang maibalik agad ang mga napulot ay nakipag-ugnayan agad ang City Administrator kay Punong Barangay Jerry Briz ng San Buenaventura. Agaran din namang umaksyon si Chairman Briz at isinama mismo si Bb. Briones sa tanggapan ni Administrator Amante. Laki namang pasasalamat ang ipinaabot ni Bb. Briones kay G. Manalastas at kay City Admin. sa pagsosoli ng kanyang ATM, Passbook at Tseke. (CIO-San Pablo City)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral an

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci