SAN PABLO CITY – Pag-alinsunod sa nakatadhana sa Anti-Rabies At of 2007 o Republic Act 9482 na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Mayo 25, 2007, ay pananagutan ng mga nagsisipag-alaga ng aso na ito ay kanilang pabakunahan, at kung ang alaga ay makakagat, ay pananagutan nila ang pagpapagamot sa nakagat o biktima, sang-ayon kay Dra. Fara Jayne C. Orsolino, city veterinarian ng lunsod.
Pananagutan ng isang may alagang aso na ang kanyang alaga ay pakainin ng tamang pagkain at regular na pinaliliguan. Hindi rin dapat hayaan ang hayop na malayang makapaglibot sa labas na kanilang tahanan, at kung kinakailangang ilabas, ay dapat na ito ay nakatanikala, at sa sandaling ito ay makakagat, ay dapat na ipagbigay-alaman kaagad sa city o municipal health office sa loob ng 24 oras, lakip ang pagpapaabot ng impormasyon sa kaniyang kahandaang sagutin ang mga magiging gugol sa pagpapaturok ng biktima laban sa rabis. Ito umano ay salig sa kaisipang ang aso ay dapat na maayos na pinangangalagaan upang ang rabis ay maiwasan.
Nabanggit ni Dra. Orsolino na layunin ng batas na maisulong ang isang pambansang palatuntunan na gagawa sa bansang “Rabies Free Philippines, kaya sa pagsasagawa ng information education campaign ay kabalikat ng Department of Agriculture ang Department of Health, ang Department of Education, at ang Department of the Interior and Local Government para sa partisipasyon ng mga yunit ng pamahalaang lokal.
Bagama’t may mga punong barangay na nakikipag-ugnayan sa Offfice of the City Veterinarian para sa pagtatakda ng pagdalaw ng anti-rabies vaccination team para sa maramihang pagbabakuna ng mga asong inaalagaan sa isang pamayanan, nabanggit ni Dra. Orsolino na araw-araw may tauhang makakapagsagawa ng pagbabakuna sa kanilang tanggapan, kasama na ang pagtatala sa pinabakunhang aso,
Comments
Post a Comment