Ang mga magpapakasal na sumasailalim ng pre-marital counseling na isang pangangailangan bago sila mapagkalooban ng marriage license, ay papayuhan na ng tamang pakikitungo sa biyenan o how to deal with in-laws, sang-ayon kay Deputy Executive Director Mia C. Ventura ng Coimmission on Populations (POPCOM)
May umiiral na batas na ang lahat ng magpapakasal ay dapat sumailalim ng pre-marital counseling bago pagkalooban ng marriage license. At ang karaniwang paksang tinatalakay ng mga tagapanayam ay may kaugnayan sa family planning and reproductive health, subali’t kanilang napansin na ang karaniwang itinatanong ng mga magpapakasal, lalo na ng mga kababaihan, ay ang may kaugnayan sa pakikitungo sa kanilang magiging biyenan, kaya minarapat ng komisyon na ang pagtalakay ukol ditto ay masama sa training manual, pahayag ni Director Mia C. Ventura. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment