VICTORIA, Laguna - Kasama si Dra. Jill Gutierrez, sakay ng isang maliit na bangka ipinagsagwan ni Punong Barangay \Aurelio Corcuerra ay sinuong ni Congresswoman Ivy Arago ang panganib maabot lamang ang Sityo Kapiligan na naging isolated mula sa Barangay San Benito dahil sa baha. Ang San Beneto ay isa lamang sa mga barangay ng
Sa tulong ni Chairman Corcuerra ay namangka si Congresswoman Arago sa ibabaw ng malawak na palayan n nalubog sa tugig bunga ng pagtaas ng Laguna de Bay, na lubhang ikinamangha ng mga residente ng nabanggit na sityo sapagakat noon lamang nangyari sa kanilang kasaysayan na makakita ng isang opisyal ng pamahalaan na nakadalaw sa kanilang liblib na pamayanan samantalang kararaan pa lamang ng sungit na panahon ng na isang kalamidad.
Mas namangha ang mga taga nasabing sityo at nagpasalamat kay Congresswoman Arago sa pagsuong sa panganib upang alamin at damayan lamang sila sa kanilang abang kalalalagayan, na sa kabutihang palad na sa kabila ng lubog sa baha ay ligtas naman sa karamdaman. Agad na tumulong si Cong. Ivy sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga relief packages na may lamang bigas, de lata at noodles.
Heroes welcome ang ginawa ng mga taga-barangay ma pagtanggap sa kongresista nang simula silang kausapin upang alamin ang pangunahin nilang pangangailangan, lalo at wala silang pagkakataong makapamalengke.
Hindi makapaniwala ang mga taga Barangay Pagalangan na si Cong. Ivy ang kanilang kaharap nang sapitin ng grupo ang nasabing lugar. Nag-iwan din ang mambabatas ng relief goods sa mga barangay officials sa pangunguna ni Chairman Romulo Oca na siyang mamamahala sa pamamahagi kinabukasan dahil sa gumagabi na. Bukas aniya sa biglaang tulong na maaaring kailanganin ayon sa kongresista.
Isa-isang pinuntahan ni Rep. Ivy ang mga nagsilikas sa Barangay San Roque evacuation center na bakas sa mga ngiti ang pagkabanaag ng pag-asa nang makita ang mambabatas. Hindi ikinaila ng mga pansamantalang humihimpil doon ang kanilang pangangailangan ng tulong subalit sapat na raw ang maalala sila ng mahal nilang si Ivy.
Pinagkalooban din ni Cong. Ivy ang mga taga San Roque ng relief goods sa pamamagitan ni Chairman Ric Larano at kanyang mga kagawad. Muli ay nagbigay katiyakan ang mambabatas na isang text lang ang kailangan upang maipaabot ng mga naroroon ang kanilang mga problema. Ang mga nasabing barangay ay pinagkalooban ng kongresista ng mga kaukulang gamot na magagamit sa mga emergency cases.
Malaking bagay ang dalawang beses na pagdalaw ni Arago sa mga nasalanta ng bagyo sa bayang ito sapagkat sang-ayon sa mga residente ay ang idinulot nito sa kanila ay isang maliwanag na pag-asa. Kalugod-lugod anilang mabatid na ang kanilang iniluklok na kinatawan ay abot-kamay lamang lalo’t higit sa panahon ng kalamidad. (Samdy Belermino)
Comments
Post a Comment