Sa pakikipanayam kay Los Baños Mayor Caesar Pabalate Perez kamakailan, kanyang nabanggit na kung talagang ang isang punong tagapagpaganap ay may inisyatibong makaalinsunod sa iniuutos ng Solid Waste Management Act of 2000 o ng Batas Republika Bilang 9003, ay madaling makakayanan ng isang Material Recovery Facilities (MRF), upang masimulan ang makatotohanang implementasyon ng isang palatuntunang pangkalinisan ng kapaligiran.
Upang huwag sabihing siya ay nagbubuhat ng sariling bangko sa pamamagitan ng pagamit sa mga kagamitan ng Pangasiwaang Lokal ng Los Baños bilang modelo o huwaran, ay maaaring gamiting huwaran ang Material Recovery Facilities na itinatag ng pangasiwaan ng tatlong barangay na bumubuo ng Isla ng Boracay sa Malay, Aklanm na karaniwan na ngayong dinadalaw ng mga pinunong lokal na sumasailalim ng lakbay-aral o lumalahok sa mga educational tour.
Bilang “focus mayor on envieronmental sanitation” ng League of Municipal Mayors of the Philippines , ay nadadalaw ni Mayor Perez ang lahat ng nagbabalak na magtayo ng sanitary landfill and materials recovery facilities saan mang panig ng bansa..
Ang Boracay ay isang island resort na pinagdarayo ng mga international and local tourists kaya ang sanggunian ng mga Barangay ng Manoc-Manoc, Balabag at Yapak ay nagtulong-tulong na maitayo ang isang Meterial Recovery Facilities na ang disenyo ay batay sa tagubilin ng National Solid Waste Management Commision, isang tanggapan sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na ang tagapangulo ay ang Kalihim ng Kapaligiran at Likas Yaman, isang hakbanging nakatutulong upang maging masigla ang eco-tourism industry ng munisipyo. At pinatutuhanan sa Isla ng Boracay na “may pera sa basura,”
Sa mga barangay dito sa Laguna, nabanggit ni Caesar P. Perez na higit na magiging kapakipakinabang kung ang isang material recovery facilities ay pagtutulong-tulungan itayo at pangasiwaan ng mga tatlo o apat na magkakalapit na barangay upang matiyak na matustusan ang kapakipakinabang na operasyon nito. Sapagka’t ang pangunahing pangangailangan sa pagtatayo ng isang Material Recovery Facility ay isang bubong na pagsisilungan ng shredding machine para sa pagsasaayos ng mga matitipong plastic materials mula sa mga basura. Subalit ang tunay na pangunahin ay ang maturuan ang mga mamamayan na maghiwahiwalay o magsegregate ng kanilang basura. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment