Para sa kaluwagan ng lahat, sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, ang kanilang tanggapan ay bukas sa mga araw ng Sabado o sa Enero 9 at 16.
Ang mga pangunahing pangangailangang dapat ilakip sa application form na dapat bilihin sa City Treasurer’s Office ay community tax receipt (cedula) para sa Taong 2010, barangay business clearance, at Social Security System clearance.
Maaaring may iba pang pangangailangan batay sa uri ng negosyong ikinukuha ng business permit and license,tulad ng botica na kinakailangan may katibayan mula sa Bureao of Food and Drugs; at negosyante ng butil na kinakailangang may katibayan mula sa National Food Authority.
Nagpapaalaala rin si Gng. Paz Dinglasan na kinakailangan ding tiyakin na ang kanilang registration of business name sa Department of Trade and Industry ay hindi pa paso o expire,
Upang makaiwas na magkaroon ng suliranin na matugunan ang mga pangangailangan sa paghiling ng lisensya, ayon kay Gng. Dinglasan ay makabubuting maglahad na kaagad ng kanilang aplikasyon sa mga unang araw pa lamang, upang sila ay makaiwas ng magbayad ng multa, na inilalapat sa mga humihiling ng renewal of business permit and license pagkalipas ng itinatakdang panahon. (CIO-San Pablo City )
Comments
Post a Comment