Sa flag ceremonies noong Lunes ng umaga, ay iniulat ni Mayor Vicente B. Amante na ang pagsasaayos ng mga seksyon ng pambansang lansangan sa sakop ng Lunsod ng
Ito ay ang tulad ng paglalagay ng asphalt concrete over-lay o paglalatag ng ready-mixed asphalt tulad ng nasa kahabaan ng Avenida Rizal sa kalunsuran. Ang prosesong ito ay gumagawang mabilis ang pagpapatupad ng paggawain, na nakatutugon pa sa pamantayan ng pamahalaan para maging matatag at matagal na pakikinabangan ang isang paggawain.
Natutustusan din ang mga kinakailangang paglilinis sa mga padaluyan ng tubig-baha sa baybayin ng kahabaan ng national road sa sakop ng lunsod, upang maiwasan ang pag-apaw ng baha sa lansangan, na nakakapinsala sa preno ng mga sasakyang nagdaraan dito. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment