ALAMINOS, Laguna – Inilunsad nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago at Mayor Eladio M. Magampon na pinasiglang Palatuntunang Taniman sa Barangay sa bayang ito na pinaglaanan ng pondong P1-milyon mula sa pondo ng tanggapan ng kongresista para mapagkunan ng ipagkakaloob na cash prizes sa mga magsisipagwaging kalahok na barangay, organisasyon ng magsasaka, at indibidwal na magtatanim ay napagwagian ng Barangay San Agustin sa pangunguna ni Punong Barangay Rustico D. Danta, na ang natamong gantimpala ay umabot sa kabuuang P400,000.
Ang tinanggap na cash prize ay inilaan na ng Sangguniang Barangay ng San Agustin para sa pagpapaunlad ng kalinisan ng kapaligiran ng pamayanan at pagpapatupad ng mga palatuntunang pangkalusugan ng mga mahihirap na taga-nayon.
Ayon kay Punong Barangay Rustico D. Danta ng Barangay San Agustin, ang IVY-ELADIO ay acronym para sa “In View of the Youth, and Enhance Local Agricultural Development with Integrated Opportunities” na ipatutupad na may pakikipag-ugnayan sa FAITH Food Program ni Gobernador Teresita S. Lazaro, at ang paligsahan sa pagtatanim ay itinuon sa produksyon ng 15 uri ng gulay na ang cut-off date para sa paghatol ay hanggang noong nakaraang Setyembre 30.
Ang Barangay San Agustin ang nanguna sa first at sa second evaluation na may gantimpalang P100,000, na nagbigay daan upang matamo ng pangasiwaang barangay ang grand prize na P300,000-worth of barangay project.
Ang isa ring magsasakang taga-Barangay San Agustin ang nagwagi sa Paligsahang Pinaka ay pagkakalooban ng cash prize na P1,000 bawa’t ikategoriya o uri ng gulay na inilahok.,. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment