Sa pahayag ni Mayor Arlene Arcillas-Nazareno, kanyang nabanggit na malaki ang maitutulong ng pagiging magkapatid na lunsod ng Santa Rosa at ng Makati para maging tuwiran at masigla ang pagpapalitan ng kamalayan at kasanayan sa larangan ng siyensya at teknolohiya, pagpapaunlad ng pamayanan, pagpapataas ng antas ng edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran, at mga paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan.
Hindi na malayong maging pormal ng tawagin ang lunsod na ito na “New
Bilang tugon sa binanggit ni Mayor Nazareno na pangangailangang maitaas ang sistema ng pangasiwaang lokal, kaagad ay ipinahayag ni Mayor Binay na handa niyang tulungan na sanayin ang mga pangunahing pinuno ng mga kagawaran ng ingat-yaman, ng tasador, at ng inhenyeriya, at nais din niyang ibahagi ang karanasan ng Pangasiwaang Lokal ng Makati sa paggamit sa information technology upang ang pangasiwaang lokal ay makatipid sa operasyon, at mapalaki ang kita sa pamamagitan ng computerization.
Ang naganap na pagkapaglagdaan ng sisterhood agreement ay nagsimula pa noong Hulyo ng 2007 kung kailan nagkaroon ng pag-uusap ang mga kinatawan ng dalawang pangasiwaang lokal, hanggang sa nakapagpatibay ng kanikanilang resolusyon ang dalawang sangguniang panglunsod na nagbigay daan upang pormal na malagdaan ang unawaan noong nakaraang Martes. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment