SAN PABLO CITY - Sa personal na pamamatnubay ni former City Vice Mayor Celia Conducto Lopez bilang National Coordinator para sa Convenor Group ay pormal na inilunsad sa Max’s Restaurant dito noong nakaraang Lunes, Oktubre 27, 2007, ang Movement for Good Governance na ang pangunahing layunin ay magabayan ang mga mamamayan sa paghalal sa isang pinunong bayan na subok na ang kakayanan sa pagpapatakbo ng pamahalaan o pagpapakilos ng isang pangangasiwaan.
Ang pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa sa pamahalaan ang dapat kilalaning sukatan ng pagiral ng tunay na kalayaan, ayon sa tagapagsalita ng kilusan, kaya ang dapat iluklok sa katungkulan ay yaong nagtataglay na ng sapat na kamalayan sa pangangasiwa, at hindi iyong mag-aaral pa bilang tagapagpaganap.
Kasama ni Gng. Celia Lopez sa convenor’s group sina Philip Araneta bilang tagapag-ugnay sa Batangas, Roy Cervantes tagapag-ugnay para sa Bicolandia; Rey Lacunas bilang tagapag-ugnay para sa Albay; Abner Lim para sa Quezon; Atty. Alvin Arevalo para sa MIMAROPA Area; Atty. Gil Sotto para sa Laguna; Bro. Criz Bagsic para sa grupo ng mga relihiyoso; at Evangeline Mendoza ng Ugnayan ng ng mga Nagsasariling Organisasyon sa Kanayunan. Si Dr. Tomas A. Maneses ang tagapagsalita.
Naninindigan sina Lopez na pinapangarap ng bawa’t Pilipino na magkaroon ng isang mahusay na pamahalaan na pinangangasiwaan ng mga matatapat at mararangal na lingkod bayan.
Bilang isang kiluasan ay kailangan ng movement ang mga kasapi, subali’t binigyang-diin ni Lopez na ang pagsapi ay kusangloob o boluntaryo, at ang pangunahing magiging gawain ay ang pagtataguyod ng mga seminar at talakayan sa mga kampus ng paaralan upang ang paghalal ng tamang lider ay maging bahagi ng pagpapahalaga ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan. Naniniwala ang Kilusan sa pangangailangan sa isang mapayapang pagkilos ng buong sambayanan upang makamit ang mga minimithing adhikain, kaya kinakailangan na “Makialam Ka Na,” at maging bahagi ng isang maayos daluyan ng magagandang kaisipan na magbubunga ng pagluluklok sa katungkulan ng mga lider na Maka-Dios, makatao, makabayan, maayos, matapat, at mahusay sa pamamahala. (Ben Taningco)

Good PM.. Kailan po ba lalabas yung MOA between Makati City and San Pablo City.. Inaabangan po ng marami at lalo na po ang mga taga Makati. Sana po ay ma-update kaagad. Marami pong salamat.
ReplyDelete