
Tatlong first year college student sa Lunsod ng San Pablo ang napasama sa 5-man Provincial Team ng Laguna na lalahok sa regional elimination contest sa darating na Nobyembre 13, 2008 sa Lipa City upang mapili ang kakatawan sa CALABARZON Provinces sa 17th Philippine Statistics Quiz na magkatuwang na itinataguyod ng National Statistics Office at Philippine Statistical Association, Inc. na gaganapin sa Maynila sa Disyembre 4, 2008. Sila ay sina (mula sa kaliwa) France Camille A. Credo ng Laguna College na tumapos ng high school sa Laguna College, 3rd place; Jeric Bryan A. Yaneza ng STI-San Pablo City, na tumapos na tumapos ng high school sa San Jose (Malamig) National High School, 4th place; at Mary Ariane H. Imbo ng Laguna College, na tumapos ng high school sa Laguna College, 5th place. Ang first placer ay si Heinrich Sean F. Fabregas ng UPLB College of Arts and Sciences na tumapos ng high school sa Lipa City National Science High School, samantala ang 2nd place ay si Marc Victor F. Gallenito na kumukuha ng B. S. Statistics sa UPLB na tumapos ng high school sa Gallonosa National High School sa Sorsogon.Ang Provincial Elimination ay ginanap sa Cultural Center of Laguna sa Santa Cruz noong Miyerkoles ng hapon sa pangangasiwa ng National Statistics Office-Laguna Provincial Office sa tulong ng Tanggapan ng Punonglalawigan. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment