Sa Kapihan sa SSS na ginanap noong Lunes ng hapon na nilahukan ng mga kinatawan ng medya na kumikilos sa Katimugang Tagalog, nabanggit ni President Romulo L. Neri na ang SSS-South Luzon Cluster na naka-base dito sa Lunsod ng San Pablo, nitong nakalipas na mga buwan ay nakapagtala ng malaking koleksyon. Maipagkakapuring ang mga kahillingan para mabayaran ang pensyon, ang tulong sa palibing, at iba pang biyayang dapat matamo ng mga kasapi, lalo na ng mga retirado, ay kaagad natutugunan.
Nabanggit din ni Neri, na sa hurisdiksyon ng SSS-South Luzon ay masinop ang mga employer na inii-entrego o iniri-remit ang lahat ang bayaring ibinabawas mula sa kanilang mga kawani at manggagawa, at dahil sa pagkakaroon ng maayos na monitoring program, ay madalang ang employer na napapaulat na hindi ipinatatala ang kanilang mga empleyado, o kinokolektahan ang kanilang mga kawani/manggagawa na hindi naman inii-entrego ang kanilang binabawas.
Tinugon ni Assistant Vice President Aida V. delos Santos, bilang hepe ng South Luzon Cluster, na sila ay nagtatagumpay dahil sa magkakaugnay na kumikilos ang lahat, at mismong ang mga korporasyon o employer ang nagkikipagtulungan upang ang lahat ng kanilang mga tauhan ay masakop ng palatuntunan para sa kaseguruhang panglipunan.
Upang ang lahat ng mga nasa pormal na sector ng paggawa ay tiyak na masasakop ng biyaya ng pagiging miyembro ng Social Security System (SSS), nanawagan si President Neri sa mismong mga manggagawa, kasama na ang mga kagawad ng medya, na maging mapagbantay sa nagaganap na ugnayan ng mga may empleyado at ng mga empleyado, sa pamamagitan ng pagpapaabot sa tunay na kalalagayang umiiral sa isang paggawaan o tanggapan sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS kahit palihim, halimbawa ay sa pamamagitan ng email o ng text messaging sapagka’t ang SSS ay mayroon namang mga monitoring team na may kapangyarihang magsagawa ng mga ramdom checking or verification upang matiyak na ang mga tauhan ng isang ahensya ay natatamasa ang kanilang mga biyayang dapat tanggapin bilang kawani o manggagawa.
Hiniling ni Neri sa mga kagawad ng medya na ipaalaala sa mga miyembro na ang SSS ay may ipinatutupad na mga palatuntunan sa pabahay, na ang sistema ng pagbabayad ay maluwag para sa mga miyembro kung ihahambing sa mga katulad na plano na ipinatutupad ng ibang mga financial institution sa bansa. And detalye ng housing fair program na kanilang ipinatutupad sa nalolooban ng isang buong taon, ay maipagtatanong sa pinakamalapit na SSS office, na dito sa Lunsod ng
Comments
Post a Comment