ALAMINOS, Laguna – Ang 13th Month Pay at ang cash gift para sa mga pinuno at kawani ng pangasiwaang munisipal rito ay naipagkaloob na noong pang unang quincena ng Nobyembre. Ang cash gift na ipinagkaloob ay P15,000 para sa bawa’t regular employee, at P10,000 para sa bawa’t casual employee. Ito ay ganap na ikinatuwa ng mga kawani at manggagawa dahil sa abot pa umanong pangmatrikula ng kanilang mga anak na nagsisipag-aral pa sa kolehiyo.
Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, ay ibinalita ni Mayor Eladio M. Magampon na sa dahilang kaya pa ng pananalapi ng pangasiwaang munisipal, at hindi pa naaabot ang ceiling para sa personnel services, siya ay humiling ng kapahintulutan mula sa Sangguniang Bayan na makapagkaloob ng 14th Month Pay, lamang, ito ay maipagkakaloob lamang kung ang kapasiyahan ay mapagtitibay ng Sangguniang Panglalawigan batay sa ipinaiiral na alituntunin ng Department of Budget and Management, at ng Commission on Audit.
Napag-alamang si Mayor Magampon ay humiling sa Sangguniang Bayan na mapagtibay ang isang resolusyon o kapasiyahan na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na makipagtalastasan sa o to negotiate with Land Bank of the Philippines (LBP) para sa paghiram ng halagang P35-milyon na ilalaan para karagdagang pondo para sa konstruksyon ng isang two-storey public market building na tinatayang maipatatayo sa halagang P55-milyon sa 2,600-metro cuadradong loteng kinatatayuan ng kasalukuyang old one-storey public market building.
Isang Area Officer ng Land Bank of the Philippines ang nagsabing batay sa kanilang naisagawa ng pagtaya, ang Pangasiwaang Munisipal ng Alaminos ay may kakayanang maayos na mapangasiwaan ang pananalapi nito o they have an effective fiscal management scheme na may kakayanang makapagbayad ng hanggang sa P100-million loan para sa pagpapaunlad ng mga proyektong mapagkukunan ng karagdagang kita ng kanilang pangasiwaan. (Ben Taningco)
ang ibinigay ay regular bonus... half of which is given last may 2008. bale kalahati na lang ang naibigay last november.... we are waiting for the guidelines for additional benefits.... so yung 15k, 10k, wala pa yun
ReplyDelete