Ang isang pinunong bayan, halal o talaga man, ay may pananagutan na aktwal na dalawin ang lawak na sakop ng kanyang pananagutan upang tuwiran niyang Makita, maranasan, at maunawaan ang suliraning umiiral ito, upang magabayan sa pagbalangkas ng inaakalang solusyon sa naobserbahang suliranin. Ito ahg ipinahayag ni Senador Francis Joseph Guevara “Chiz”Escudero sa pakikipanayam kay Pangulong Nani C. Cortez ng Seven Lakes Press Corps kamakailan sa isang restoran sa
Ayon kay Chiz Escudero, bilang kinatawan ng mga mamamayan, pananagutan ng isang senador o kongresista, at maging ng mga kagawad ng sanggunian, ang tuwirang makipanayam sa nabibilang sa iba’t ibang antas ng lipunan, sapagka’t sa pagbalangkas ng mga batas at kautusan, ay may pantay na karapatan at pangangailangan ang lahat, mahirap o mayaman, marunong o mangmang, kaya silang lahat ay dapat na uunawain ang saloobin at damdamin.
Maging sa pagpapahayag ng layuning maging kandidato o pagnanasang maluklok sa isang tungkulin, ay hindi dapat ipagyabang na siya ay hinihingi ng bayan, o dahil sa hihiling ng mga mga kilalang lider, sa halip ito ay dapat na pansariling kapasiyahan ng isang naghahangad ng tungkulin, na sinusuportahan ng partidong kanyang kinabibilangan.
Kaugnay ng mga public hearing na isinasagawa ng Senado, sinabi ni Chiz Escudero na ito ay halos walang 6 porsyento ng kanilang gawain sa Kongreso. Sapagka’t ang layunin ng mga pagsisiyasat at pagdinig na isinasagawa ng Kongreso ay hindi para magpakulong ng isang pinaghihinalaang nakagawa ng kasalanan batay sa mga umiiral na batas, kundi upang ang Kongreso ay magabayan sa pagbalangkas ng mga batas at palatuntunan.
Katunayan nito, ang Senado sa Ika-14 Kongreso ay nakapagpatibay na ng mahigit sa 500 panukalang batas, at 20 pa lamang ang mga imbestigasyon, lamang, ang bawa’t public hearing na isinasagawa ay sinusubaybayan ng medya, samantalang ang sesyon ng Senado kung saan aktwal na pinaguusapan ang pagbalangkas ng batas ay hindi na pinapansin ng mga kinatawan ng malalaganap na pahayagan, ng malalaking himpilan ng radyo at telebisyon, at ng mga kilalang news agencies sa Maynila.
Ang pagdadala ng usapin sa hukuman ay pananagutan ng Kagawaran ng Katarungan, at ng Office of the Ombudsman, pagpapansin ni Chiz Escudero.(Photo and Text by Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment