Para sa lahat ng mga Pilipinong kinikilalang beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na humihiling na sila ay makatanggap ng biyaya sa ilalim ng American Recovery and Reinvestment Act of 2009, ipinababatid na ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ay nagsasakit na agarang maipatupad ang bagong batas upang matiyak na ang lahat ng may karapatang tumanggap ay matanggap ang kanilang karampatang biyaya sa pinakamaagang pagkakataon. Upang maayos na mapaglingkuran ang mga kasapi ng lipunan ng mga beteranong Pilipino ay ipinauunawang ang paglalahad at pagpoproseso ng kahilingan ay hindi na kinakailangang ang beterano ay aktwal o personal na dudulog sa mga kinatawan ng embahada.
Veterans do not need to appear in-person. Walang dapat bayaran sa paghiling ng bagong biyaya. Ang application form ay maaaring matamo sa U. S. Embassy sa Maynila, sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, at sa 13 Field Offices ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na nakatatag sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang pagpoproseso ng kahilingan sa pagtanggap ng biyaya ay sa loob ng isang taon o hanggang sa Pebrero 16, 2010, at para sa karagdagang impormasyon ay maaaring mag-log on o dumalaw sa http//manila.usembassay.gov o tumawag sa (02) 528-2500 o sa 1 800 1888 5252 (toll free) o mag-email sa https://iris.va.gov kaya hindi na kinakailangan ang personal na pagtungo at personal na pakikipagkita sa mga kinaatawan ng U. S. Department of Veterans Affairs.
Ang itinakdang pormularyo at ang mga dapat ilakip na mga kasulatan (prescribed application form and supporting documents) ay dapat ipadala sa
0930
Ang mga beteranong nangangailangan ng karagdagang timpormasyon sa kanilang pahiling ng bagong biyaya, tulad ng eligibility requirements at upang matugon ang iba pang mga katanungan ay maaaring dalawin ang U. S. Embassy website sa: http://manila.usembassy.gov/wwwhs581.html (Seven Lakes Press Corps)
Comments
Post a Comment