Nabanggit ni Dra. Farah Jane Orsolino, city veterinarian, na may makalawak na karanasan sa slaughterhouse management sa Australia, na pag-alinsunod sa tagubilin ni Alkalde Vicente B. Amante, sila ay ay hindi nagwawalang bahala at sinisikap nilang mapangalagaan ang kagalingan at kalusugan ng mga mamamayan ng lunsod, at mga karatig na bayang karaniwang sa lunsod na itro namimili ng kanilang isda at karne.
Nabanggit ni Bb. Orsolino na maging ang mga small-scale piggery project at chicken dressing plant sa ilang barangay dito ay mahigpit din nilang sinusubaybayan, upang matiyak na yaon lamang malulusog o walang sakit na baboy, baka, at manok ang nakakatay sa lunsod naito. Kailangang ang industriya ng paghahayupan dito ay mahigpit na sinusubaybayan, sapagka’t dahil sa pabago-bagong kalalagayan ng panahon ay hindi naiiwasang ang mga inaalagaang hayop ay apektado ng seasonal ailment, tulad ng pagtatae o diarrhea.
Ayon kay Dr. Orsolino, kaisa siya ng paninindigan ni Alkalde Vicente B. Amante na sila sa Office of the City Veterinarian ay dapat na mapagmalasakitt sapagka’t ang malinis na pagkain ang sandigan ng kalusugan ng mga mamamayan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment