Sang-ayon kay MIT President Virgilio Y. Prudente, ang lahat ng mga residente ng mga Barangay ng San Gabriel, San Miguel, San Bartolome, Santiago I, Santiago II, Bautisata, at Atisan na direktang magpapatala sa MSC Green Campus, maging ito ay sa High School Department o College Department ay pagkakaloob ng 20% porsyento. Kung honor graduate sa elementarya ay may karagdagang pang diskwento ang ilalapat sa kanilang pagkuha ng kursong sekondarya rito.
Ito ay malaking tulong dahil sa ang MSC Institute of Tedhnology, sa kabila ng katotohanang ang halos lahat ng pribadong paaralan na sumisingil na ng matataas na tuition fee ay humihiling ng kapahintulutang makapagtaas pa ng kanilang singilin, sila naman ay nagbaba 20 porsyento sa singilin sa tuition fee.
Sa MSC, ang tuition fee sa high school ay aabot ng wala pang P20,000, samantala sa college department ay wala pang P14,000 ang 24 units, at dito ay marami pang scholarship program na ipinatutupad na pawing naglalayong makatulong sa mga anak ng mga karaniwang pamilya.
Nabanggit ng gurong si Francis S. Dionglay na sa MSC ay “Tipid Sa Tuition, Tipid Sa Pamasahi, at Tipid Sa Baon.”
Bagama’t ang mga klase ay inilipat na sa MSC Green Campus sa San Gabriel, nabatid mula kay Ike Prudente na nananatiling bukas ang kanilang tanggapan sa dating main campus sa Artemio Fule Street. Nabatid pang ang MSC Management ay may pakikipag-unawaan sa mga tricycle operators and drivers association para sa kapanatagan ng mga estudyanteng mula sa MSC Main Office ay magsasadya sa sa MSC Green Campus sa San Gabrial. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment