Nabanggit ni District Engineer Federico L. Concepcion ng DPWH-Laguna Sub-District Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio sa San Pablo City, na simula nang ipatupad ang Government Reformed Procurement Act noong unang buwan ng Taong 2004, ay inalis na ang kilala noong Prequalifications, Bids and Awards Committee (PBAC) na ang tagapangulo ay gobernador at alkalde, at ang ipinalit ay Bids and Awards Committee (BAC) na binubuo ng mga career official.
Sa mga pasubasta na ipinatatawag ng Bids and Awards Committee, ay tanging mga pre-qualified contractor ang maaaring lumahok, kaya nagiging kapansinpansin na ilang pangalan ng kontratista ang nagwawagi sa bidding, batay sa uri o kategorya ng paggawain.
Sa implementasyon ng public works, tulad ng pagsasaayos ng kalsada, at pagtatayo ng mga school buildings, Ang kinikilalang prequalified contractor ay yaong mga kontratista na pinagkalooban ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ng “Certificate of Qualifications” at ito ay maitala sa DPWH Registry matapos na makapaglahad ng Contractor’s Prequalification Statements batay sa kategorya ng proyektong ninanasa nilang lahukan, tulad ng pagpapahayag sa kanilang puhunan, mga kasangguning propesyonal, mga pag-aaring heavy equipments, at kasaysayan ng kontratista na makakapagpakita sa kakayanan nitong maipatupad ang proyekto.
Sa obserbasyon ni District Engineer Federico L. Concepcion, simula ng mapagtibay ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Reformed Procuement Law, ay naiwasan na ang paglahok ng mga kontratistang walang sapat na puhunan na inaabandana ang paggawain, o ipinagbibili ang kontrata sa mga kontratistang walang pinanalunang kontrata.
Dahil sa ang mga prequalified contractor ay nakatutugon sa kinakailangang katangian ng kontratista, pinatutunayan ng karanasan sa mga engineering district dito sa Laguna na wala na ang mga kontratistang matapos magwagi sa pasubasta ay ibinibenta ang kontrata sa iba, o mga kontratistang inaabandona ang kanilang kontrata dahil sa wala na silang magugol sa pagrenta ng kagamitan at pasahod sa mga manggagawa. Ang mga kontratista ngayon ay nakasusunod na sa tinatawag na Project Evaluation Review Technique/Critical Path Method (PERT/CPM) sa paghahanda ng mga pang-araw-araw na gawain sa nalolooban ng itinatakdang panahon sa kontrata, at natatapos ang proyekto sa takdang araw. (Ruben E. Taningco)
The title is too hunble..Engr Concepcion is more than qualified and can be trusted by anyone!!
ReplyDelete