1. kaninong interest po ba ang pinoprotektahan nyo, ang interest nyo o ng taumbayan?
2. Legal ba ang kontrata ng Bulk Water? Bakit hanggang ngayon ay "conditional acceptance" pa rin ay proyekto? Kung walang anomalya, dapat ay may final acceptance na ng project ang SPCWD.
3. Tutoo ba na personal na sinadya ni Mayor Amante si Chairman Butch Pichay ng Local Water Utilities Administration (LWUA) para hilingin na palitan si LWUA 6th member of the Board of Directors Engr. Josephine Miravalles? Bakit papalitan kung OK naman ang ginagawa? Dahil ba sa kontra si Engr. Miravalles sa Bulk Water Project?
4. Bakit mahal ang bili ng SPCWD per cubic meter sa Bulk Water P5.10 kumapara sa P2.12 per cubic meter ng ibang spring source ng SPCWD?
5. Totoo ba na ang Bulk Water ang dahilan ng pagdami ng sirang tubo ng tubig at pagiging mala-gatas ng ating tubig?
6. totoo ba na ang mga kontrang miyembro ng Board noon ay sila na ngayong nagtutulak ng Bulk Water?
7. Totoo ba na halos pare-pareho ang reading ng konsumo ng Bulk Water kahit non-peak hours?
8. bakit ayaw paupuin ng Board ang Interim General Manager from LWUA kapalit ni suspended GM Borja kahit kasama sa kaso ni Borja si current OIC-GM Tisi Rivera? Hawak din ba sa leeg ng Board si Tisi Rivera gaya ni suspended GM Rugir Borja? Mas connection ba ang Bulk Water sa hindi pag-alis kay OIC-GM Rivera?
Ilan lang po ito sa mga katanungan na kailangang sagutin ng SPCWD sa mamamayan ng San Pablo City!!! Paging all those who will run this May 2010 local elections. Isang issue ang tubig kaya tinalo noon ni Doc Cosico si Biteng sa botohan sa bayan. Baka gusto na ninyong makialam!
Comments
Post a Comment