Ipinababatid ni Environment and Natural Resources Officer Ramon R. de Roma na ang pangasiwaang lunsod, sa pagsasakit ni Mayor Vicente B. Amante ay nakapaglaan ng sapat na pondo para ibili ng punla ng punong nara na itatanim sa mga watershed at iba pang bahagi ng lunsod na kinakailangang mataniman ng kahoy.
Magugunita na dahil sa pagdaraan ng El Niño Phenomenon sa bansa, ang mga tanim ng timber tree sa lunsod, kasama na ang mga nasa watershed, ay lubhang naapektuhan, at malaking bilang nito ang natuyo.
Sa ginawang pagtaya ng mga tekniko ng DENR, maging ang mga punong itinanim noong 2005 na mga buhay-na-buhay na ay natuyo rin, dahil sa kinulang sa sapat na tubig nitong panahon ng tag-araw. Ito ay kinakailangang palitan bago matapos ang taong kasalukuyan.
Para sa kabatiran ng lahat na interesadong makilahok sa palatuntunan ng pagtatanim ng mga punong nara sa sakop ng lunsod, sila ay maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Environment and Natural Resources Officer na nasa 4th Floor ng 8-Storey Building.
Comments
Post a Comment