SAN PABLO CITY – Ipinaaalaala ni Council Scout Executive Angelito A. Dinglasan na ang ipinahihintulot na bayarin ng mga sasapi sa Boy Scouts of the Philippines ay P50 para membership fee, at P10 para sa tinatawag na sustaining membership fee na babayaran lamang sa buwan ng Hulyo, at ang pagbabayad nito ay hindi dapat na maging pangangailangan para ang isang bata ay tanggapin sa isang paaralan, sapagka’t dapat alalahaning ang pagiging kasapi ng Boy Scouts of the Philippines ay kusangloob o hindi sapilitan.
Ang nabanggit na singilin ay dapat bayaran sa unit leader o sa gurong may pananagutan sa batang iskawt, at sila ang may pananagutan sa pinakamaagang pagkakataon ay i-entrego o i-remit sa local council ang kanilang nalilikom na halaga.
Ang tinutukoy na halaga ay siya babayaran ng mga sasapi sa kid scout o prescholer, sa kab scout na nag-aaral mula Grade I hanggang Grade III, sa boy scout na mula sa Grade IV hanggang Grade VI, sa Senior Scout na nagsisipag-aral sa high school, at sa Rover Scout na binubuo ng mga college students, paglilinaw pa ni Dinglasan.(Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment