SAN PABLO CITY - Ipinababatid sa lahat noong Lunes ng umaga ni Mayor Vicente B. Amante ang nalalapit na Skills and Livelihood Training Schedule na lahat ay gaganapin sa San Pablo City Women, Family and OFW Center sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, na isang Gender and Development Project ng pangasiwaang lunsod.
Ang mga pagsasanay ang mga sumusunod: Bedroom Slipper Making sa Hulyo 12 hanggang 16; Waitering sa Hulyo 19 hanggang 22; at Bartending sa Hulyo 26 hanggang 29, 2010. Ang lahat ng pagsasanay mula sa ika-8:99 ng umaga hanggang ika-5:99 ng hapon, at ang pagsasanay ay walang bayadm at kinikilala ng Technicla Education and Skills Development Authority (TESDA), kaya ang certificate of training na kanilang ipinagkakaloob ay kinikilala maging sa labas ng bansa o abroad.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga pagsasanay na ito, ang mga interesadong lumahok ay mangyaring makipag-ugnayan kay Gng. Ofelia C. Tan, officer-in-charge ng SPC Women, Family and OFW Center na may telepono bilang (049) 503-0015, at email address na womencenterspc@yahoo.com . (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment