Si Regional Executive Director Abelardo Bragas ng Department of Agriculture-Region 4-A ay nagpatawag ng komperensya ng mga provivincial and city agriculturist sa kanilang punongtanggapan sa Quezon City noong Lunes upang maipaunawa ang mekanismo ng pamamahagi ng abono bilang pag-alinsunod sa Fertilizer Subsidy Program na isinusulong ni Agriculture Secretary Arthur Yap sa tagubilin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang masigla ang produksyon o maitaas ang ani ng palay sa mga palayan sa CALABARZON.
Batay sa timetable ni Bragas, ang abono ay dapat maipamahagi bago nmatapos ang buwan ng Oktubre, na siyang panahon na kinakailangang ang mga palayan sa rehiyon ay dapat lagyan ng abono sa ikatitiyak ng katatagan ng imbentaryo ng panustos na butil sa Katimugang Tagalog. (RET)
Comments
Post a Comment