Si G. Taningco, kilala bilang isang Hometown Journalist, ay nakatakdang parangalan sa darating na Nobyembre 18, 2010 sa Regional Science & Technology Center , Los Banos, Laguna. Matatandaan rin na una na itong nagawaran ng Gawad Gintong Tambuli bilang Lifetime Achievement Awardee noong taong 2000 sa pagdiriwang naman ng naturang ahensya ng kanilang ika tatlong dekada ng paglilingkod sa rehiyon.
Ang walang sawa at boluntaryong pagtulong ni G. Taningco sa larangan ng pagpapasigla ng siyensya at teknolohiya ay maaring ihalintulad sa isang tambuli na siyang ginamit na instrumento ng mga katutubo bilang siyang pantawag pansin sa mga kasamahan para sa dagliang tulong. Sa loob ng 32 taon ay hindi kayang tawaran ang ipinakitang malasakit ni G. Taningco sa pagsusulong ng technology transfer program sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat sa mga pahayagang lokal na siyang naging basehan upang ito’y gawaran ng naturang parangal.
Ang Tambuli Media Awards ay ipinagkakaloob tuwing ika-limang taon simula noong taong 2000 ng Information Production and Dissemination Unit ng DOST CALABARZON Regional Office (IPDU-DOST IV-A). Ginagawaran nito ang mga karapat-dapat na miyembro ng Regional Science and Information Task Force Region IV-A, isang asosasyon ng mga media practitioners na nabuo sa pamamagitan ng IPDU-DOST-IV. Ang unang dalawang paggagawad ay ipinagkaloob noong taong 2000 at 2005 sa mga manunulat at mamahayag, kabilang ang mga publishers at radio stations bilang partner institutions. Ang mga naturan ay kinikilala dahilan sa kanilang naging ambag sa pagpapakalat ng pangkalahatang kaalaman o impormasyon sa mga programa at proyekto ng DOST IV-A na nagpapasigla at nagpapaunlad sa siyensya at teknolohiya.(CIO-
Comments
Post a Comment