Upang damhin ang espiritu ng nalalapit na kapaskuhan ay magsasagawa ang naturang Komitiba ng Christmas Decoration Competition na may temang “Christmas Carol & Cheers” sa lahat ng mga establisyemento sa kahabaan ng Rizal Ave. panimula sa SPC Cathedral hanggang Puregold.
Bukas ang naturang patimpalak sa lahat ng mga commercial establishments kabilang ang mga bangko, restaurants, appliances at furniture stores, automotive and motorcycle stores at iba pa. Ang lahat ng entry ay kailangang gamitan ng mga materyales mula sa niyog at iba pang eco-friendly materials. Agad namang pinaalala ni City Admin Amben na mahigpit nilang dinidiscourage ang pagpuputol ng mga punong niyog sa halip ay iminumungkahing nitong gumamit ng mga recyclable at indigenous materials.
Ang mga isasaling dekorasyon na may 6ft. x 6ft. na sukat ay maaring lagyan ng mga background effects at maaaring i-display sa harap ng establisyemento kung saan ay visible ito sa kondisyong hindi ito magiging balakid sa daloy ng trapiko.
Ang kompetisyon ay kailangang sumunod sa criteria na Concept & Design (50%); Creativity & Execution (30%) at Overall Impact (20%). Ang 1st placer ay tatanggap ng Php30,000.00 plus trophy, Php 20,000.00 plus trophy para sa 2nd placer, at Php10,000.00 plus trophy para sa 3rd placer kung saan ay isasagawa ang final judging sa December 18, 2010 sa ganap na 6:00 n.h. Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tumawag sa mga sumusunod na mga numero (049) 503-1522 at 0919-322278. (CIO/ San Pablo )
Comments
Post a Comment