Inaasahan ng administrador matapos ang SK at Barangay Elections noong nakaraang October 25 na lalong mapapaigting ang pagkakaisa ng mga namumuno, baguhan mang maglilingkod o papatapos sa paglilingkuran at sisimulan ng kalimutan ang mga nagdaang isyung pulitikal. Idinagdag pa nito na mas dapat pag-ukulan ng pansin sa kasalukuyan at sa mga darating na panahon ang kapakanan ng taumbayan para sa ikauunlad na rin ng buong Lunsod. Hindi inaaalis ng administrador na ang tunay na susi sa ganap na kaunlaran ay nakasalalay sa pagtutulungan ng 80 nagkakaisang mga barangay sa buong Lunsod.
Pinapurihan rin ni City Admin Amben ang lahat ng mga Punong Barangay na walang sawang nag-aalay ng kanilang mga sarili alang-alang sa kapakanan ng taumbayan. Samanatala, hindi rin nito nakalimutang pasalamatan ang lahat ng mga nakatakda ng matapos ang mga termino bilang Punong Barangay. (CIO-San Pablo)
Comments
Post a Comment