ALAMINOS, Laguna - Pinatotohanan ni Mayor Eladio Magampon ang kalinisan ng tubig na ipinamamahagi ng Alaminos (Laguna) Water District sa pagsasabing ito ay nakatutugon sa Philippine Standard for Water Purity at ito ay ligtas para sa lahat ng pangangailangan ng mga tahanan sa bayang ito.
Ayon sa punong bayan, ang suplay ng tubig dito ay regular na sumasailalim sa pagsusuri hindi lamang sa sariling laboratoryo nito kundi gayon din sa pagsusuri ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST).
Binigyang garantiya ni Magampon ang kanyang mga pahayag bilang isang dating tagapangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan (rural health unit physician) at dating kagawad ng Lupon ng Patnugutan ng Alaminos Water District bago pa man siya maging isang pulitiko. (Alan C. Ortillano/PIA-Laguna)
Comments
Post a Comment