MAIPAGKAKAPURING AMA
Ang darating na araw ng Linggo, Hunyo 10, ay gugunitain bilang Araw ng mga Ama o Fathers’ Day, kaya may mga otel at mga pook liwaliwan, at maging mga malalaking tindahan, ang naghahandog ng paglilingkod at kagamitang inaakalang makakapagbigay kasiglahan sa mga ama ng tahanan. Sa ginawa ng may pitak nito na pananaliksik, napagtanto na ang mga kinikilala o dinadakilang ama ay anak ng mga dakilang ama.
Halimbawa, ang kasalukuyan o pang-43 Pangulo ng Estados Unidos, si George W. Bush, ay anak ng naging pangk41 Pangulo o ni George H. W. Bush. Samantala ang artistang si Grace Kelly na naging Princesa ng Monaco, ay anak ni John B. Kelly Sr. na isang Olympic na nagtamo ng tatlong (3) medalyang ginto sa 1920 and 1924 Olympic Games. Ang kanyang kapatid na si John Kelly Jr. ay naging Olympic Player din. Ang kanilang nilalahukan ay boat rowing.
Dito sa Pilipinas, alam ng lahat na si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay anak ni Don Mariano Marcos na dinakila noong kanyang panahon, at si dating Alkalde Cesar P. Dizon ay anak ni Lauro D. Dizon Sr., ang kaunaunahang San Pableño na nakatapos ng pag-aaral sa Philippine Military Academy, na naging isang matapang at matalinong opisyal sa larangan ng digmaan sa Bataan sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naing konsehal at punonglunsod din dito sa Lunsod ng San Pablo.
Maging si Senator-elect Francis Escudero na isang huwarang kabataang ama ay anak ni Dr. Salvador Escudero III na muling nahalal na Kongresista sa Sorsogon. Siya ay isang matalino at dinadakilang beterenaryo, mahusay na guro, iginagalang na mambabatas, at masasabing isa sa iilang nabubuhay na agriculture planner ng Pilipinas. ,
Tama kung gayon, ang kasabihang kung ano ang puno ay siya ang bunga, at isang katotohanang ang mga iginuhit sa kadakilaan ay mula sa mga angkang may magandang pinag-ugatan.

Comments
Post a Comment