Ang mga umiiral na palatandaan, tulad ng pagbaba ng temperatura ng tubig sa Pacific Ocean, ay nagpapahayag na 55 porsyento ang pagkakataon na madarama sa Pilipinas ang epekto ng La Niña Phenomenon sa susunod na ilang buwan sang-ayon kay Senior Weather Specialist Daisy Ortega ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napalathala sa mga pahayagan sa Maynila noong Linggo ng umaga.
Dahil dito, ang mga mamamayan, lalo na yaong mga nasa kinikilalang lugar na laging binabaha o flood-prone area, ay dapat na magsagawa ng mga hakbanging pangkaligtasan at pangkapanatagan ng pamilya, tulad ng pagsasaayos ng kanilang mga bubungan, pagkakaroon ng kahandaan kung saan magdaraan sakali’t mapanganib na bagtasin ang agos ng baha, at pagsasaalang-alang sa mga lugar na kung guguho o magkakaroon ng landslide dahil sa patuloy na pagpatak ng ulan ay maaaring magbigay panganib sa buhay at kasukasuan ng mga mamamayan.
Sa pahayag naman ng Regional Disaster Coordinating Council-Region IV-A, kung sa panahong umiiral ang La Niña Phenomenon, ang mga naninirahan sa mga liblib na pook o interyor na mga barangay, dapat magsikap na may nakahandang sapat na inuming-tubig, bigas, mga tuyo o daing na isda, de lata (na tiyaking hindi pa expired), flash light, mga lubid na magagamit sa pagpapatibay ng kabahayan, at iba pang kagamitang mahirap hanapin kung malalakas ang ulan at ang kapaligiran ay binabaha.
Makabubuti ring may transistorized radio na de-bateriya para sa pakikinig ng mga tagubilin mula sa mga ahensya ng pamahalaan, tulad ng PAGASA, PNP, at Tanggapan ng Punumbayan.. (BENETA News)

Comments
Post a Comment