Ang Serbisyong Pablo’y na pinasimulan nina Alkalde Vicente B. Amante at Konsehala Karen C. Agapay may dalawang taon na ang nakalilipas, na pagkakatoob ng mga pagpapayong legal at pampangasiwaan sa mga mamamayan, at isinasagawa tuwing araw ng Biyernes, ay patuloy sang-ayon sa pahayag ni Pedrito D. Bigueras ng City Information Office.
Ayon pa kay Bigueras, nabanggit ni Konsehala Agapay, na bagama’t simula sa Hunyo 30, siya ay manunungkulan na bilang board member o kagawad ng Sangguniang Panglalawigan, at magkakaroon na ng tanggapan sa Bulwagan ng Sangguniang Panglalawigan sa Santa Cruz, ay mananatiling pangangasiwaan niya ang Serbisyong Pablo’y tuwing araw ng Biyernes sa One Stop Processing Center, kung saan siya ay madali ring mapagsasadya ng kanyang mga constituent mula sa mga bayan o munisipyong bumubuo ng 3rd District of Laguna.
Ang 3rd District ay binubuo ng mga bayan ng Alaminos, Calauan, Victoria, Rizal, Nagcarlan, at Liliw, at Lunsod ng San Pablo.
Iniulat ni Bigueras na sa mga nakalipas na dalawang taon, tuwing araw ng Biyernes ay maraming mamamayan ang natutulungan ng Serbisyong Pablo’y sa pamamag-itan ng paghahanda ng affidavit of loss sa mga nawawalan ng mga papeles na pampamahalaan, tulad ng mga identification card ng senior citizen, lisensya sa pagmamaneho; at iba pang kasulatang kinakailangan panumpaan sa harap ng isang notaryo publiko.
Marami ring propetaryo na nagmamay-ari ng mga lupaing mayroon ng approved cadastral survey, subali’t hindi pa naipatatala sa Land Registration Authority (LRA). Si Board Member-elect Karen Agapay ay mayroong pakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya siya ay makatutulong bilang isang abogada o miyembro ng Philippine Bar upang ang lupain ay matituluhan o mapagkaloob ng Original Certificate of Title (OCT) sa sistemang administratibo o Administrative Process for Issuance of Free Patent. (BENETA News)

Comments
Post a Comment