
Sa mga nakapapansin sa mga hukay na isinasagawa ng San Pablo City Water District na di-umano ay natatagalan bago ito muling maayos na matabunan at masementuhan, ipinaaalaala ni General Manager Roger Borja na ito ay bahagi ng proseso sa pagsasaayos ng mga pumuputok na linya. Matapos na ang isang pumutok o tumutulong tubo ay maayos ay kinakailangang ito ay obserbahan sa loob ng isang tiyak na panahon o bilang ng araw upang matiyak na maayos ang pagkakaugnay ng mga tubo at may katiyakang mawawala na ang tulo, sapagka’t ang katatagan ng mga tubo ng tubig ay apektado ng bigat ng mga sasakyang nagdaraan sa lansangan, at maging ng mga hindi napapansing paggalaw ng lupa o geological vibration kaya ang pangasiwaan sa patubig ay may sinusunod na proseso ng pagsasaayos ng mga nasisirang linya nito. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment