Si PAMB Chairman Nilo B. Tamoria (inset) samantala nagpapaliwanag sa ginanap na press conference sa Sityo Baloc noong isang Linggo ng tanghali.
Tiyakan at tuwirang pinabulaanan ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A, sa kanyang kapasidad bilang tagapangulo ng CALABARZON’s Protected Areas Management Board (PAMB) ang alegasyong ipinahayag sa isang nakaraang pulong ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna na pinahihintulutan ang pagtatayo ng isang golf course sa sakop ng Mounts San Cristobal and Banahaw Landascape. Ayon sa director, pinatutuhanan ng mga records sa Tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) ng Laguna, na wala ng ganoong kahilingan. Sa ilalim ng mga umiiral na regulasyon at alituntunin, ang pagtatayo ng golf course ay kinakailangang ikuha ng environmental compliance certificate (ECC) mula sa DENR, at walang napapatalang kahilingan ukol rito. Una, ang topograpiya ng bundok ay hindi angkop para pagtayuan ng golf course, at ikalawa, malinaw ang tagubilin sa National Integrated Protected Area System (NIPAS) o Batas Republika Bilang 7586 na ipinaiiral na simula pa noong Taong 1992 na hindi ipinahihintulot na baguhin ang likas na topograpiya ng lugar, kasama na ang pagbabawal na magputol ng anomang uri ng puno sa protektadong lawak. Walang batayang legal upang mapahintulutan ang pagtatayo ng golf course sa sakop ng
Ang paglilinaw ay ginawa ni Tamoria sa press conference na itinaguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago na ginanap sa Sityo Baloc na masasabing nasa foothill ng Bundok San Cristobal noong isang Linggo ng tanghali.
Wala ring katotohanan ang alegasyong may 50 pamilya ng pinaalis sa sakop ng protected area. Ang bilang ng pamilyang di-umano ay illegal na naninirahan sa sakop ng protektadong lawak ay 31, at sa dahilang walang batayang legal para mapahintulutan ang kanilang pagtigil doon, ay pinadalahan sila ng sulat ng PAMB para sila ay umalis noong nakaraang Nobyembre 2008, at ng sila ay balikan noong nakaraang Pebrero, ay dalawa lamang ang umalis na ang 29 pamilya ay nananatiling naroroon pa, malayo sa katotohanan na sila ay lumipat na sa isang bahagi na sakop ng Barangay San Cristobal sa Lunsod ng San Pablo, paglilinaw pa ni Director Nilo B. Tamoira.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang lahat ng claim sa nasasakupan ng public land ay dapat na suportado ng lot plan na inihanda ng isang rehistrado at lisensyadong geodetic engineer o agrimensor ns pinagtibay ng o approved by the Land Management Bureau, na isang ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources. Pinatutuhanan ni Protected Area Superintendent Sally Pangan na ang 29 claimants ay walang ipinakikitang
Napag-alamang ang 60 pamilyang pinagkalooban ng security of tenure sa lupang inuukupahan nila ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-submit ng Approved Land Survey Plan sapagkat ditto nakatala ang technical description na katanggaptanggap upang makilala ang loteng paksa ng usapin. Kanilang natugunan ang pangangailangan ng mga ipinaiiral na batas. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment