
Sa bisa isang ordinansang pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Los Baños na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna, ay ipinagbabawal na ang paggamit sa plastic bilang sisidlan ng pinamimili sa mga supermarket at palengke sa sakop ng munisipyo. Ang ipinahihintulot na pambalot ay dahon ng saging at papel, at ang ipinagagamit na grocery bag ay bayong na nang pinasimulan ang implementasyon ng kautusang bayan ni Mayor Caesar Pabalate Perez ay mismong ang pangasiwaang lokal ang bumili at namahagi ng mga bayong na inangkat sa mga Bayan ng Luisiana at Cavinti. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment