STA. CRUZ, Laguna – Sa dahilang ang katalagahan o appointment ng mga Designated City and Municipal Disaster Manager na sa buong lalawigan ay nasa koordinasyon ng Provincial Social Welfare and Development Officer ay hanggang tanghaling tapat ng Sabado, Hunyo 30, nanawagan si Senior Board Member Karen C. Agapay sa lahat ng mga punumbayan na kaagad ay magtalaga o I-renew ang designation ng mga gaganap nito, at pasiglahin na rin ang kanilang city or municipal disaster coordinating council para ganap na mapaghandaan ang angkop na palatuntunan ng paghahatid mga tulong na pangkagipitan, sakali’t sa kanilang particular na pamayanan ay may magdaan o maganap na kalamidad.
Ipinagugunita ni Atty. Agapay na may paalaala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na sa buwang hinaharap ay may mga palatandaang malaki ang posibilidad na ang bansa ay makakaranas ng La Niña o mga mahahabang oras ng pag-ulan, na may mga pagkakataon pang may magdaraang bagyo.
Ang mga malalakas na pag-ulan at pagdaraan ng bagyo ay hindi mapipigilan ng pamahalaan, subali’t naniniwala si Bokal Agapay na sa pamamagitan ng maayos na paghahanda at pagtatatag ng maayos at epektibong koordinasyon ng mga yunit ng pamahalaang lokal, at mga ahensya at organisasyon sa pagtulong ay mababawasan ang masamang epekto ng kalamidad sa pamayanan.
Nabanggit ni Agapay sa pakikipanayam ng mga kinatawan ng local mass media sa lalawigan na pinatunayan ni PSWDO Ernesto Montecillo ang kanyang pagiging epektibong Provincial Disaster Manager, at malaki ang kanyang pagtitiwala na ang pananagutang ito ay kanyang higit pang magagampanan sa susunod na tatlong taon, at higit pang magtatagumpay ang kasalukuyang pangasiwaang panglalawigan sa larangan ng paghahatid ng tulong na panglipunan at pangkalusugan. (BENETA News)

Comments
Post a Comment