Nagpapaalaala si NSO Laguna Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña na ang pagpaparehistro sa Local Civil Registrar ng kanilang kasisilang pa lamang na sanggol ay isang pananagutan ng isang magulang, at ito ay naaayon sa isang paninindigan ng United Nations Organization na nabigyang diin ng ganapin sa Pilipinas ang National Conference Workshop on First Rights of Children noong Marso 1, 1999.
Ayon kay Bb. Serqueña, malinaw na itinatagubilin ng Artikulo 7 ng Convention on the Rights of the Child (CRC), na “Ang sanggol ay dapat ipatala kaagad pagkasilang dito, at ang sanggol ay may karapatan simula sa pagkapanganak dito sa isang pangalan, at karapatan na magkaroon ng pagkamamamayan o nationality.”
Sakali’t sa isang barangay o pamayanan ay may masusumpungang mga sanggol o batang lumalaki na hindi pa naipatatala sa Local Civil Registrar, ay makabubuting ang kanilang mga magulang o tagapangalaga ay makipag-ugnayan sa kanilang Local Civil Registrar, na dito sa Lunsod ng San Pablo ay nasa Window One ng One Stop Processing Center para sila ay magabayan sa tamang pamamaraan ng pagpapatala.
Ipinaaalaala ni Bb. Serqueña na ang “birth certificate” ng isang tao ay isang pangangailangan, mula sa kanyang pag-aaral, sa pamamasukan sa gawain, sa pag-aaasawa, sa pagkuha o paghiling ng passport para makapaglakbay sa labas ng bansa, at maging sa pagkubra ng kabayaran sa life insurance ng isang kaanak na binawian na ng buhay.. (BENETA News)

Comments
Post a Comment