SENSU NG POPULASYON
Sa darating na Agosto ng taong kasalukuyan, ay isasagawa ang population census sa buong bansa sa pangangasiwa ng National Statistics Office (NSO), na ang magiging paksa ng pagtatanong ay ang kalalagayan ng isang sambahayan sa unang araw ng buwan o sa Agosto 1. Ito ang kasunod na sensu ng populasyon na isinagawa noong Taong 2000 na ang reperensya ng pagtatanong ay Mayo 1.
Dapat isipin ng lahat, na lubhang mahalaga na maging matapat o tama ang isasagawang pagbibilang ng mga mamamayan sa bawa;t particular na yunit ng pamahalaang lokal, lalo na sa antas ng barangay, sapagka’t ang bilang ng populasyon ang pangunahing batayan sa pagbalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran.
Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 7160 o Local Government Code of 1991, ang populasyon ang batayan sa pagtaya sa magiging kabahagi ng isang barangay sa Internal Revenue Alltoment (IRA); paara matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan. Sa panig ng Kagawaran ng Edukasyon, at ng mga Paggawaing Bayan at Lansangan, ang ang population census ang batayan sa pagtatakda ng bilang ng silid ng paaralang ipatatayo, uri at pagbubukas ng mga lansangan at pagtatayo ng tulay, at populasyon din ang batayan ng Department of Social Welfare and Development, at ng Department of Health sa pagbalangkas ng mga palatuntunang panglipunan at pangkalusugan na dapat ipatupad sa mga kanayunan.
Ito ang dahilan kung bakit ang pitak na ito ay aming isinasama sa talaan ng mga naglalambing sa mga sangguniang barangay na mangyaring ang mga itatalaga ng National Statistics Office na census enumerator sa sakop ng kanilang hurisdiksyon ay kanilang patulungan o pasamahan upang matiyak na ang bawa’t tahanan o dwelling unit ay makukunan ng tala.
Kung maaari, ay maipagtiwala ng Kalihim ng Barangay sa mga census enumerators ang spot map at ang record ng lahat ng residente ng barangay kung saan makikita kung saan naroroon ang bawa’t tahahan sa pamayanan, at ito ay malaking gabay sa panahong ang pagsisensu ay isinasagawa sa hangganan ng dalawang pamayanan na nakalilito kung saan barangay aktwal na nakatayo ang isang tahanan, tulad sa pag-itan ng Barangay San Francisco Calihan at San Gregorio dito sa Lunsod ng San Pablo, at sa Barangay San Cristobal ng lunsod na ito, at mga barangay sa sakop ng Dolores, Quezon. Gayon din sa Barangay Gabatang sa Quezon, kung saan may bahaging sakop ng Bayan ng Tiaong, at may bahaging sakop ng Bayan ng Dolores.
Bilang dating kagawad ng City Planning and Development Staff ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo, ang may pitak nito ay makakapagpatunay na ang mga datus na natitipon ng National Statistics Office ay confidential at ginagamit lamang sa pagbalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran ng ating bansa.

Comments
Post a Comment