Matapos tanggapin ang kanyang estrella at matalagang Assistant Division Commander ng 9th Infantry Division na ang lawak ng pananagutan ay Bicol Region, ay inilipat ni Brigadier General Tristan Mendoza Kison ang pagiging commander ng 202nd Infantry Brigade kay Koronel Virgilio M. Espeneli (DSC) sa turn-over ceremonies na ginanap sa brigade headquarters sa Barangay Antipolo, Rizal noong Lunes ng tanghali na pinangasiwaan ni Major General Roland Detabali, Commanding General ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army na may punong himpilan sa Camp Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal.
Napag-alaman mula kay 1Lt. Celeste Frank L. Sayson ng Public Information Office ng 2nd Infantry Division na si Col. Virgilio M. Espeneli ay dating Batallion Commander ng 1st Infantry Batallion sa Laguna, bago natalagang Chief of Staffs and Commander of Task Force Bantay sa headquarters ng Philippine Army, bago nahirang para pamunuan ang 202nd Infantry Brigade na dati na rin niyang kinatatalagahan.
Ang 202nd Infantry (Unifier) Brigade ay binubuo ng 1st Infantry Batallion na pinamumunuan ni Lt. Col. Ernest Marc P. Rosal na ang lawak ng pananagutan ay Laguna; ng 16th Infantry Batallion na pinangungunahan ni Lt. Col. Jaime A. Abawag na ang lawak ng pananagutan ay Lalawigan ng Rizal; at ng 740th Combat Group na pinangungunahan ni Major Ariel I. Villareal, at 730th Combat Group na pinangungunahan ni Major Carlo C. Orcino, kapuwa ng Philippine Air Force at nakahimpil sa Fernando Air Base sa Batangas.
Maiiwang alaala ni Brigadier General Tristan
Comments
Post a Comment