Ag National Statistics Office (NSO) ay abala ngayon sa paghahanda ng paglikom ng datos na naaukol sa kalakalan ng bansa na tinatawag na Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI). Sisimulan ang pamamahagi ng questionnaires sa Abril 1, 2009 sang-ayon kay Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña.
Ipinauunawa ni Bb. Serqueña na ang ASPBI ay naglalayon na makakuha at makaipon ng impormasyon buhat sa gawaing pangkabuhayan ng bansa na sumasaklaw sa taong 2008. Ang tama at napapanahong impormasyon ng negosyo ay magsisilbing batayan ng pamahalaan at pribadong sektor upang masuri ang estraktura ng industriya at mataya ang kalagayan ng kalakalan; makapagsagawa ng epektibong
Karagdagan sa ASPBI ay ang 2008 Survey on Information and Communication Technology (SICT). Ito ay gagawin upang makalikom ng detalyadong impormasyon sa pagkakaroon, pagmamahagi at paggamit ng teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon ng mga kalakalan at industriya sa bansa.
Ayon pa rin kay Serqueña, dapat ay seryoso ang gagawaing pagsagot ng mga respondent sa kanilang mga questionnaires dahil sa ang datos ng ASPBI ay ginagamit ng National Statistical Coordination Board para sa pagtataya ng National Accounts. Ginagamit din ito ng mga research institutions at panlabas na samahan tulad ng United Nations Industrial Development Organization, World Bank, International Labor Organization, Asian Development Bank, negosyante at mag-aaral sa pagsusuri ng kalakalan ng bansa.
Pangungunahan ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ang pagsasanay sa mga tauhan ng NSO-Laguna upang maging maayos at mabilis na maipamahagi at maibalik ang questionnaires ng ASPBI at SICT sa mga piling establisemento sa buong lalawigan ng Laguna. Walong punong-bayan sa Laguna kung saan maraming bahay-kalakalan ang hiningan ng tulong ni PSO Serqueña para sa pagpapalaganap ng impormasyon na nauukol dito tulad nina Mayor Vicente B. Amante ng San Pablo City, Mayor Joaquin M. Chipeco, Jr. ng Calamba City, Mayor Arlene A. Nazareno ng City of Santa Rosa, Mayor Isidro L. Hemedes ng Cabuyao, Mayor Marlyn A. Naguiat ng Biñan, Mayor Calixto R. Cataquiz ng San Pedro, Mayor Ariel T. Magcalas ng Sta. Cruz at Mayor Caesar P. Perez ng Los Baños. Makikipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ng NSO-Laguna sa mga administrador ng economic zones o industrial parks para sa kanilang pag-sang-ayon na makapasok sa mga establisemento na kanilang nasasakupan. (NSO-Laguna)
Comments
Post a Comment