Nabatid mula kay Gng. Paz T. Dinglasan, hepe ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod, na 16 negosyo ang kinakailangang humiling ng Clearance mula sa City Environment and Natural Resources Office (ENRO) upang ilakip sa kanilang application for renewal of business permit and license, at ito ay ang mga sumusunod: (1) restoran; (2) panadriya; (3) bakeship; (4) paggawaan; (5) gawaan ng feedmill; (6) resort; (7) real estates/subdivision office; (8) poultry; (9) piggery; (10) gasoline station; (11) ospital; (12) industriya; (13) punerariya; (14) junkshop; (15) water refilling station; at (16) supermarket.
Kaugnay ng alituntuning ito, ang City Environment and Natural Resources Office sa pamamatnugot ni City Government Department Head Ramon R. de Roma ay may slot o puwesto sa One Stop Processing Center para doon na lamang tanggapin at iproseso ang lahat ng mga kahilingan para sa clearance.
Sa dahilang ang panahon ng paglalahad ng application for renewal of business permit ay hanggang Enero 20 lamang, ipinapayo ni ENRO Mon de Roma sa lahat ng apektado ng alituntuning ito ay kumuha na kaagad ng clearance para huwag mahuli sa panahon, at makaiwas sa pagbabayad ng multa.(Ruben E. Taningco)
Maraming salamat sa pagbabahagi nang mga kailangan sa aking business. Will certainly visit your site more often now.
ReplyDeletesugar