ALAMINOS, Laguna – Sa bawa’t pagkakataong si Senior Board Member Karen C. Agapay ay nagkakaroon ng pagkakataong makapagsalita sa mga kapulungan ng mga kagawad ng sangguniang barangay, ay lagi niyang ipinaaalaala na buuin na kaagad ang kanilang Barangay Development Council, at magkaroon ng pagsasakit na ma-update ang kanilang barangay socio-economic profile sa dahilang ang isang approved barangay development plan ang saligan sa pagpapatibay ng annual barangay budget, gaya ng nakatadhana sa Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.
Nang si BM Karen Agapay, na kasalukuyang siyang nanunungkulang Bise Gobernador ng Laguna, ay maging panauhing tagapagsalita sa kapulungan ng Senior Citizens Association of San Agustin noong Huwebes ng hapon, kung saan kanyang nakatagpo si Punong Barangay Rustico Danta, at ang nakararami sa mg halal na kagawad ng sangguniang barangay, kanyang ipinaalaala na ang electrification ng kahabaan ng San Agustin Section ng Alaminos-Sto. Tomas-Tanauan-Lipa City (CALABARZON) Road,
Iminumungkahi rin ni Agapay sa mga sangguniang barangay ang pagbuo at pagkakaloob ng pagsasanay sa mga bubuo ng Barangay Disaster Coordinating Council, at ang mga punong barangay ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa Local Government Operations Officer (LGOO) para sila ay mapayuhan sa mga hakbanging dapat isagawa upang ang kanilang pangkat sa pagkakaloob ng mga pangkagipitang tulong ay matiyak na nakahanda sa bawa’t pagkakataong may magdaraang kalamidad sa barangay. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment