MAYOR AMANTE HUMILING SA SANGGUNIANG PANLUNSOD PARA SA PAGPAPATAYO NG IBA’T-IBANG PUBLIC ESTABLISHMENTS
Sa pamamagitan ni Konsehal Dante B. Amante, Chairman on Committee on Government Contracts and Legal Matters ay inihain sa Sangguniang Panlunsod ang amendments sa Resolution. No. 2010-149 sa nakaraang regular session nuong Agosto 10. Ito ay para sa kahilingan ni Mayor Vicente Amante na mabigyan siya ng authority to negotiate sa mga financial institutions para sa pagpapatayo ng iba’t-ibang public establishments.
Ang mga bagong proyektong ninananis ng punonglunsod na maitayo sa lunsod ay ang City University upang lalo pang mabigyan ng magandang edukasyon ang lahat ng kabataan sa lunsod. Ang City Central Food Terminal para sa marketing ng iba’t-ibang products ng lunsod. At upang maisaayos ang problema sa trapiko ay magpapatayo rin ng isang City Public Utility Vehicles Central Terminal kasama ang pagbubuo ng isang Traffic Engineering Management Program kung saan ang isang proyekto ay ang installation ng mga Closed Circuit Television (CCTV). Para naman mahikayat ang iba nating kababayan na gawing venue ang lunsod para sa kanilang iba’t-ibang seminar at training workshops at mapalakas ang turismo ay magpapatayo rin ang lunsod ng isang City Convention Center. Ang mga bagong proyektong ito ay para sa lalo pang kaunlaran at progreso ng Lunsod ng San Pablo . (CIO-San Pablo City )
Comments
Post a Comment